Aleck, kung kani-kanino na lang tinutukso

NAGTATAKA si Aleck Bovick kung bakit kani-kanino siya itinutukso, basta nakasama niya sa telebisyon. Nu’ng una, kay Bayani Agbayani; recently naman, kay Janno Gibbs.

Worried tuloy si Aleck na baka mapagselosan siya. Kunsabagay, wala namang katotohanan, kaya okey lang.

Kung saan-saang lugar nakararating si Aleck kasama ng mga pulitikong nag-iimbita sa kanya at sa ibang mga artista.

Nu’ng nakumbida sa Jaen, Nueva Ecija, nag-enjoy si Aleck sa magandang treatment ng mga tagaroon. Ang nag-imbita kay Aleck nu’ng nakaraang town fiesta ay si Santy Austria, na napiling most outstanding councilor sa Nueva Ecija at ngayon ay tumatakbo for vice mayor.

Si Konsehal Santy ay takbuhan ng mga artista. Kaibigan siya ng mga artistang nagtutungo sa Jaen. Nu’ng magkaproblema sa kotse, si Alma Concepcion ay tinulungan ni Santy. Ganu’n din ang yumaong Halina Perez, nu’ng hindi siya mabayaran nang husto sa naturang lugar.

Note: People’s Tonight Online Edition




    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s



%d bloggers like this: