Si Jamilla ang teen-age mom housemate ng PBB Teen Edition at isa siya sa mga pinapaboran na manalo.
Sa kuwento ni Jamilla sa mga housemate, 18 years old na siya nang mag-pose ng hubad sa widely read magazine.
Nakakuha kami ng kopya ng mga litrato ni Jamilla na lumabas sa FHM pero naghahanap pa rin kami ng back issue dahil gusto naming malaman ang mga ipinahayag niya sa interview sa kanya ng FHM staff.
Nakuha ni Jamilla ang simpatiya ng publiko dahil hindi niya ikinahiya ang kanyang nakaraan. Maaga siyang nabuntis at iniwanan ng boyfriend niya.
Napilitan si Jamilla na magtrabaho bilang GRO sa isang night club para mabuhay ang kanyang anak na isinilang na may kapansanan sa mukha (cleft palate o bingot sa wikang Tagalog).
Nabanggit din ni Jamilla sa mga teen housemates na marunong siyang magmaneho. May nagbigay raw sa kanya noon ng Chevrolet car pero ibinenta rin niya ang sasakyan dahil sa matinding pangangailangan.
ang inpormastyon Galing sa Abante!!!
April 15, 2007 at 12:22 pm
ang sexy mo talaga jamilla!!!!!!!!!